Friday, October 8, 2010

Palimos po!

“May kakilala akong DSWD”

“O etong pagkain, wag na pera. Gusto mo pera? Sige, tatawag ako ng DSWD”

“Alam ba ng DSWD yang ginagawa nyo?”

If you’re familiar sa kahabaan ng Lacson, España kanto ng UST, malamang nabasa nyo na yung patugkol sa pagbibigay ng limos sa mga bata o sa kung sino mang pulubi. Ewan ko lang kung andun pa yun kasi MMDA Chairman pa si Fernando nung huli akong magawi dun. The message was “Wag magbigay ng limos dahil bawal ito sa batas doon o may ahensya naman para sa kanilang mga pulubi gaya ng DSWD.”

Kaya yung naringgan ko ng mga aforementioned lines, malamang isa sa mga ito:

1.      Aware sa anti-mendicancy law

2.     Knows na ang modus operandi ng ilang bogus na pulubi

3.     Walang baryang pambigay (in fact wala talagang pera)

In fairness, ang mga nanghihingi (at nangraraket) aware kasi parang magic spell ang mga lines na nabanggit. As in disperse sila after hearing the dreaded acronym.

DSWD.

The four letters to ward off professional beggars.

Speaking of pulubi, naalala ko yung dalawang regular kong nakikita sa MRT GMA station at sa footbridge ng Commonwealth. Yung sa MRT, parang may muscle or bone defect, yung sa Ever-Commonwealth, medyo yukky- labas kasi yung dulo ng intestines nya at meron syang modified colostomy bag na panahod ng kuwan nya. Ah basta. Mukhang nangangailangan nga siguro sya ng pera.

Of course ever-present pa rin yung mga kumakantang bulag (in fairness, ang ganda talaga ng boses nila. At aliw ako sa choice of songs nila. Baduy for some pero ako appreciated ko), andyan pa rin yung mga batang nagpupunas ng sapatos sa Recto, yung mga bagets na namimigay ng sobre sa Guadalupe at yung mga nanay na may baby (minsan exposed pa ang isang bubelya kasi nagpapasuso) sa mga gilid-gilid ng daan.

Sabi ng isa kong frend, hawak daw ng isang sindikato ang mga pulubing ito, lalo na yung mga bulag.

Eh pano yung mag-iina sa daan na nanghihingi ng pamasahe kasi daw hindi makauwi? Nung una akong nadenggoy nito, give ako ng konti kasi nakakaawa naman. Aba! When I saw them again sa isang panig naman ng Edsa Central napatanong ako: Saan ba umuuwi ang mag-iinang ito, sa Zamboanga Del Sur? Dun ko napagtanto na raket ito.

Eh yung mga nasa picket line daw, yung mga nanghabla ng mapanikil nilang amo? Totoo ba ang mga yun? If true, andaming mga kompanyang lumalabag sa labor laws, ha? Pansin ko lang, halos pare-pareho ang lines na sinasabi gamit ang megaphone. In fairness, kabisado ni Manong ang spiel niya.

How about yung mga religious preachers sa daan? Scam ba yun?
Eh ang mga magbebenta ng kung anu-ano kasi daw pang-aral nila?
Hay naku... para-paraan lang talaga.

Para sa mga hinihingan, kinokonsensya o ina-araw-araw ng mga mendicants, kelangan nyo pang i-memorize ya-an.

DSWD.

 (Dun Sa Walang Dudukutin?)

No comments:

Post a Comment