eto po ang aking sinabmit:
My top 5 moving on tip
- Release it, let it go. Magluksa, umiyak, magwala ng bonggang-bongga, ilabas ang sama ng loob. Maghanap ng isa, dalawa o higit pang shoulders to cry on. Pang-release ba. Ang tawag ata dun, catharsis. Ilabas lahat ng poot, galit, angst at ill-feeling. Magmura kung makatutulong. In short mag-emote ng todo- pero FOR THE LAST TIME na, ok?. For added effect, pwedeng magpatugtog ng mga awiting: You Made Me Stronger, You Ought to Know, Someday etc. Tandaan na kelangan mong ma-experience at ma-process ang sadness, anger, guilt and fear para makapag-heal ka na in a major major way. Ang pandededma sa mga emotions na nabanggit ay makakasagabal sa healing process.
Huwag na huwag tumawa just to pretend na okay ka lang. No use na lokohin ang sarili. Admit that it happened, admit that it hurt or still hurts, admit na gusto mo sanang pumatay. Magpakatotoo.
- Forgive (and try to) Forget. Syempre, kelangan ng prayers. Ipagdasal ang nangyari at ang turo nga ni Lord, matuto tayong magpatawad. Una: patawarin ang sarili. Huwag nang mag-wallow sa idea na you were a failure, na it’s your fault or you did not do your part. Useless ‘to. Forgive yourself. At pangalawa: forgive your ex. Sa una, medyo mahirap siguro pero it’s for your own good not his or hers. Call your ex kung sa tingin mo makatutulong. Resist kung gusto mo lang syang murahin, sumabatan, o i-threaten. Isa pa: don’t get so hooked up in the past. Hindi madaling malimutan, yes, pero try not to remember it again and again. Di ka makakamove on kung sa past ka lagi nakatingin.
Huwag na huwag syang (si ex) iblock sa Facebook o padalhan ng hate mails, paabangan sa barkada mo, o siraan sa barkada nya. This is a futile exercise. Nung mag-break up kayo, sinaktan (o nasaktan) ka nya. Pag ginawa mo ang mga nega stuff, ikaw naman ang mananakit sa sarili mo. Itapon mo na rin ang mga alaala nya. Huwag nang magcling sa memories.
3. Reconnect. Reach out to a kabarkada or a kapamilya (never mind kapatid kasi sakop na yun ng kapamilya, pwede nang i-skip ang kapuso kasi wala naman talagang ganung word) Sila yung mga, at one point or another, medyo dinedma mo nung nasa relationship ka pa. Makipag-ututang dila uli or magpa-Unli para textmates mo silang lahat. For a change, try mo namang kumustahin ang buhay nila. Mag DVD marathon, manood ng sine, magpicninc, magvideoke, manood ng concert at kung anu-ano pang bonding actrivities with loved ones.
Huwag na huwag sumama sa mga taong hindi naman makaka at nakikisympathize sa’yo. Baka mapasama ka pa. When you’re with family and friends, iwasang gawing pulutan ang ex. Discuss topics na hindi makakasira ng araw mo.
4. Enjoy life. Be busy. Do the things you normally enjoy. Ipagpatuloy ang regular socializing. And exercising. And reading (e.g. Eat Pray Love). And dating! (newsflash: ang rebound, sa basketball lang, hindi sa relationship). Try new stuff also like pagreregister sa sampu pang social networking sites, pagdoDOTA, pagluluto ne exotic dishes, pagsali sa baranggay elections, pagtatayo ng fans club at kung anu-ano pang bago. Try out a new sport or a new hobby or a new business. Ang pagbibusy-busy-han ay hindi naman nangangahulugang dapat nang i-forget na totally ang past. It just means you also need to focus on other things, too.
Huwag na huwag magself-destruct. Iwasan ang paglalasing, pag-dadrugs o pagpapachorva (or heaven forbid, suicide attempt) just to forget. Kasi these activities will let you forget for the meantime only. Pag wala na ang amats mo, pag hindi ka na bangenge or wala na ang ka-one night stand mo, you’ll find that you have created more problems for yourself.
- Give yourself time. Especially some alone time. Matulog nang mas matagal, kumain ng healthy food, exercise to minimize stress and keep yourself fit. Continue to pray, hindi lang until your heartaches end. Pamper yourself. Reinvent yourself. LOVE yourself. Huwag magmaganda. Pero dapat magpaganda (inisplitan ka na nga ng syota, magpapakahaggard ka pa?). Isapuso ang message ng mga kantang “Greatest Love of All”, “Beautiful” at “I Will Survive”. Higit sa lahat, understand that you are preparing yourself for the person na meant for you. So while waiting for Mr. (o Ms.) Right, live life to the fullest and think positive always.
Huwag na huwag kareerin ang paghahanap sa bago. Darating din sya, pramis! Don’t be in a continuous (at obsessive) lookout for the person to complete you. Instead, find the one who will complement your completeness.
Happy healing! J
No comments:
Post a Comment