Monday, October 18, 2010

And The Winner Is...

Kaninang tanghali, muntik na naman akong sumali sa isang pakontes. Kung nilabasan lang sana ako ng ano, creative juices, o kung may time lang sana ako, baka nakapagsubmit ako ng entry. Third contest sana yun. Ikatlong patimpalak na sinalihan ko sa loob lang ng isang buwan. Nagiging adik ba ang tao tuwing birth month nya? Wala lang... Parang may sapi lang talaga ako lately.

Eto mainit-init pa... Kanina lang I checked the blog of a writer I follow. Chef na malagkef! Nag-skip-a-bit ang heart ko pagkabasa ng title: Announcement of Winners. Tapos bigla akong natawa. As if naman di ba? Magfeeling daw ba na makikita ko ang name ko as one of the winners? Hay naku, punch the moon, Edmun (‘nyeta! Nag-ra-rhyme!).

Dahil dito, bigla kong inassess ang “swerte” ko sa mga pakontes. Yung iba, either hindi ko na maalala o sadyang hindi naman talaga ako mapagpanalo sa mga patimpalak.

Pero I remember nung grade 6, merong inter-school essay writing contest. Dahil member ako ng Accelerated class (promoted from grade 4 to 6), lahat kami pinagawa ng essay tapos pipili ng 2 ipapadala sa Cembo for the inter-school chorva nga. Hindi mga assumptionista ang mga classmates ko pero that time, tandang tanda ko pa ang bulungan nila: “Naku sina Liza at Rowena na yan.” These two gals ay ang aming eventual valedictorian at salutatorian, respectively. Nung announcement na ng winners, pasok si Rowena. Natigagal ang buong class nung inannounce ng aming equally tiagagalled na teacher yung isang magrerepresent sa SpEd class: AKO. At first, kunwars na hindi ako makapaniwala pero sa loob loob ko, I deserve it naman. Hindi naman kasi ako super brilliant sa lahat ng subject (lalo na ang lecheng Math) kaya I was not perceived as particularly brilliant by my classmates. Hindi ko man naipanalo ang Fort Bonifacio Elementary School, at least AKO ang pinadala.

The second “victory” came nung nagkaraoon ng Essayist of the Year contest sa school. Third year ako nun. Pang Juniors at Seniors ang contest kay join ako. Medyo napagtawanan pa nga kasi yung honor students ng section 1 did not express any intention of joining tapos eto ako, umeepal na sumali. Parang may thought balloons akong nakikita sa bawat masalubong ko. “As if!” To make the long story short, ako po ang naging Essayist of the Year. Grabe, ang sarap makita sa bulletin board ng name ko na una sa billing. Ansarap ding marinig ang sincere congratulations ng mga tunay kong friends. At syempre ng nanay ko.

Yung ikatlong “panalo” ko, nung 4th year High School. Lahat pinagsubmit ng entry para malaman kung sinong magiging editor-in-chief ng school organ namin. Syempre pa expected na na Section 1 ang magiging editor (section 2 ako). To make the long story short, ako ang napili. Para akong tanga na lumalakad sa room ng section 1 papunta sa harap. Lintek! Alam na ng buong pilot class na ako ang editor. ‘Nyeta! Ako itong clueless. Pero ansarap marinig ng palakpakan at makita ang confused faces ng ilang schoolmates ko. Para bang nag-aask sila: this dark-skinned, pimple-faced and stick-bodied creep bested them all?

That year, 1989, di man ako napasama sa honor (dahil sa lecheng Statistics!), ako naman ang nagtopnotcher sa NCEE. Memorable to kasi nung inaannounce ang name ko, walang naghiyawan. Bagkus nagkatanungan pa: Sino yun? Section 1 ba yan? Ayun ako- parang tanga lang na umaakyat ng stage, being watched by all graduating students. Pero ansaya. Super duper over grover mega grabeng feeling of triumph yun (ambilis kaya ng lakad ko nun pauwi. Can’t wait to break the good news to my Mom. Eto actually ang pinakamasayang part: ang may magandang balita akong mauuwi sa nanay ko.

Sa college, I remember winning the Spelling Bee contest nung Foundation day. Natatandaan ko pa ang katunggali ko: student ni Danny Vibas na isang showbiz writer. Ang word na naging tie breaker: FLAMBEAU. Pero cry ako pag-uwi nun. Kasi kamamatay pa lang ni Nanay ko the year before. Kaya wala akong napag-alayan ng medal ko except sa Tatay ko na hindi naman masyadong fan ng contests.

After this wala na akong pinanalunang contest. 

Wala na rin naman kasi akong sinalihan. 

Wala na kasi akong muse. 

Wala na ang Nanay ko. Ang aking nag-iisang inspirasyon. Ang ka-isa-isang tao na naniwala sa akin ng 101% at higit pa.

Eto lang, sa huling 2 kontes na sinalihan ko, hindi na ako umaasang magwawagi. Pero masaya na rin ako. Kasi kahit paano, alam kong may nagbasa ng sinulat ko.

May ikokorek nga pala ako. May inspirasyon pa rin pala ako.

Ang nanay ko pa rin.

Sino ba ang nagsabing ang inspirasyon eh dapat buhay lang?


Thursday, October 14, 2010

How to Mend a Broken Heart (weh?!!)

Ambaduy ko talaga. Sumali ako sa isang very prestigious na essay-writing contest. Ang premyo: premiere night tickets para sa Kimerald movie. WTF?!!! Ha ha ha!!!


eto po ang aking sinabmit:


My top 5 moving on tip
  1. Release it, let it go. Magluksa, umiyak, magwala ng bonggang-bongga, ilabas ang sama ng loob. Maghanap ng isa, dalawa o higit pang shoulders to cry on. Pang-release ba. Ang tawag ata dun, catharsis. Ilabas lahat ng poot, galit, angst at ill-feeling. Magmura kung makatutulong. In short mag-emote ng todo- pero FOR THE LAST TIME na, ok?.  For added effect, pwedeng magpatugtog ng mga awiting: You Made Me Stronger, You Ought to Know, Someday etc. Tandaan na kelangan mong ma-experience at ma-process ang sadness, anger, guilt and fear para makapag-heal ka na in a major major way. Ang pandededma sa mga emotions na nabanggit ay makakasagabal sa healing process.
Huwag na huwag tumawa just to pretend na okay ka lang. No use na lokohin ang sarili. Admit that it happened, admit that it hurt or still hurts, admit na gusto mo sanang pumatay. Magpakatotoo.
  1. Forgive (and try to) Forget. Syempre, kelangan ng prayers. Ipagdasal ang nangyari at ang turo nga ni Lord, matuto tayong magpatawad. Una: patawarin ang sarili. Huwag nang mag-wallow sa idea na you were a failure, na it’s your fault or you did not do your part. Useless ‘to. Forgive yourself. At pangalawa: forgive your ex. Sa una, medyo mahirap siguro pero it’s for your own good not his or hers. Call your ex kung sa tingin mo makatutulong. Resist kung gusto mo lang syang murahin, sumabatan, o i-threaten. Isa pa: don’t get so hooked up in the past. Hindi madaling malimutan, yes, pero try not to remember it again and again. Di ka makakamove on kung sa past ka lagi nakatingin.
Huwag na huwag syang (si ex) iblock sa Facebook o padalhan ng hate mails, paabangan sa barkada mo, o siraan sa barkada nya. This is a futile exercise. Nung mag-break up kayo, sinaktan (o nasaktan) ka nya. Pag ginawa mo ang mga nega stuff, ikaw naman ang mananakit sa sarili mo. Itapon mo na rin ang mga alaala nya. Huwag nang magcling sa memories.
3.    Reconnect. Reach out to a kabarkada or a kapamilya (never mind kapatid kasi sakop na yun ng kapamilya, pwede nang i-skip ang kapuso kasi wala naman talagang ganung word) Sila yung mga, at one point or another, medyo dinedma mo nung nasa relationship ka pa. Makipag-ututang dila uli or magpa-Unli para textmates mo silang lahat. For a change, try mo namang kumustahin ang buhay nila. Mag DVD marathon, manood ng sine, magpicninc, magvideoke, manood ng concert at kung anu-ano pang bonding actrivities with loved ones.

Huwag na huwag sumama sa mga taong hindi naman makaka at nakikisympathize sa’yo. Baka mapasama ka pa. When you’re with family and friends, iwasang gawing pulutan ang ex. Discuss topics na hindi makakasira ng araw mo.

4.    Enjoy life. Be busy. Do the things you normally enjoy. Ipagpatuloy ang regular socializing. And exercising. And reading (e.g. Eat Pray Love). And dating! (newsflash: ang rebound, sa basketball lang, hindi sa relationship). Try new stuff also like pagreregister sa sampu pang social networking sites, pagdoDOTA, pagluluto ne exotic dishes, pagsali sa baranggay elections, pagtatayo ng fans club at kung anu-ano pang bago. Try out a new sport or a new hobby or a new business. Ang pagbibusy-busy-han ay hindi naman nangangahulugang dapat nang i-forget na totally ang past. It just means you also need to focus on other things, too.

Huwag na huwag magself-destruct. Iwasan ang paglalasing, pag-dadrugs o pagpapachorva (or heaven forbid, suicide attempt) just to forget. Kasi these activities will let you forget for the meantime only. Pag wala na ang amats mo, pag hindi ka na bangenge or wala na ang ka-one night stand mo, you’ll find that you have created more problems for yourself.

  1. Give yourself time. Especially some alone time. Matulog nang mas matagal, kumain ng healthy food, exercise to minimize stress and keep yourself fit. Continue to pray, hindi lang until your heartaches end. Pamper yourself. Reinvent yourself. LOVE yourself. Huwag magmaganda. Pero dapat magpaganda (inisplitan ka na nga ng syota, magpapakahaggard ka pa?). Isapuso ang message ng mga kantang “Greatest Love of All”, “Beautiful” at “I Will Survive”. Higit sa lahat, understand that you are preparing yourself for the person na meant for you. So while waiting for Mr. (o Ms.) Right, live life to the fullest and think positive always.
Huwag na huwag kareerin ang paghahanap sa bago. Darating din sya, pramis! Don’t be in a continuous (at obsessive) lookout for the person to complete you. Instead, find the one who will complement your completeness.
Happy healing! J




Tuesday, October 12, 2010

Let's Talk About Sects, Baby

5 things na magbabago kapag nagkaroon ng SEX EDUCATION

#5 Walang a-absent.

#4 Hindi uso ang cutting classes.

#3 Lahat, nagre-recite (at game sa on the spot demo)

#2 Lahat, top 1.

#1 Walang maingay. Lahat ay serious at focused.



Friday, October 8, 2010

Palimos po!

“May kakilala akong DSWD”

“O etong pagkain, wag na pera. Gusto mo pera? Sige, tatawag ako ng DSWD”

“Alam ba ng DSWD yang ginagawa nyo?”

If you’re familiar sa kahabaan ng Lacson, EspaƱa kanto ng UST, malamang nabasa nyo na yung patugkol sa pagbibigay ng limos sa mga bata o sa kung sino mang pulubi. Ewan ko lang kung andun pa yun kasi MMDA Chairman pa si Fernando nung huli akong magawi dun. The message was “Wag magbigay ng limos dahil bawal ito sa batas doon o may ahensya naman para sa kanilang mga pulubi gaya ng DSWD.”

Kaya yung naringgan ko ng mga aforementioned lines, malamang isa sa mga ito:

1.      Aware sa anti-mendicancy law

2.     Knows na ang modus operandi ng ilang bogus na pulubi

3.     Walang baryang pambigay (in fact wala talagang pera)

In fairness, ang mga nanghihingi (at nangraraket) aware kasi parang magic spell ang mga lines na nabanggit. As in disperse sila after hearing the dreaded acronym.

DSWD.

The four letters to ward off professional beggars.

Speaking of pulubi, naalala ko yung dalawang regular kong nakikita sa MRT GMA station at sa footbridge ng Commonwealth. Yung sa MRT, parang may muscle or bone defect, yung sa Ever-Commonwealth, medyo yukky- labas kasi yung dulo ng intestines nya at meron syang modified colostomy bag na panahod ng kuwan nya. Ah basta. Mukhang nangangailangan nga siguro sya ng pera.

Of course ever-present pa rin yung mga kumakantang bulag (in fairness, ang ganda talaga ng boses nila. At aliw ako sa choice of songs nila. Baduy for some pero ako appreciated ko), andyan pa rin yung mga batang nagpupunas ng sapatos sa Recto, yung mga bagets na namimigay ng sobre sa Guadalupe at yung mga nanay na may baby (minsan exposed pa ang isang bubelya kasi nagpapasuso) sa mga gilid-gilid ng daan.

Sabi ng isa kong frend, hawak daw ng isang sindikato ang mga pulubing ito, lalo na yung mga bulag.

Eh pano yung mag-iina sa daan na nanghihingi ng pamasahe kasi daw hindi makauwi? Nung una akong nadenggoy nito, give ako ng konti kasi nakakaawa naman. Aba! When I saw them again sa isang panig naman ng Edsa Central napatanong ako: Saan ba umuuwi ang mag-iinang ito, sa Zamboanga Del Sur? Dun ko napagtanto na raket ito.

Eh yung mga nasa picket line daw, yung mga nanghabla ng mapanikil nilang amo? Totoo ba ang mga yun? If true, andaming mga kompanyang lumalabag sa labor laws, ha? Pansin ko lang, halos pare-pareho ang lines na sinasabi gamit ang megaphone. In fairness, kabisado ni Manong ang spiel niya.

How about yung mga religious preachers sa daan? Scam ba yun?
Eh ang mga magbebenta ng kung anu-ano kasi daw pang-aral nila?
Hay naku... para-paraan lang talaga.

Para sa mga hinihingan, kinokonsensya o ina-araw-araw ng mga mendicants, kelangan nyo pang i-memorize ya-an.

DSWD.

 (Dun Sa Walang Dudukutin?)

Wednesday, October 6, 2010

I Saw The SIGN (and it opened up my eyes...)

One September noon, habang lumalafang ng garlic something something pasta at pizza na may halong chicken sa CPK, kwentuhan kami ng mga fwends ko. Di ko alam kung pano napadako sa mga signs ang topic. Basta na lang one of my friends asked in a conspiratorial tone: “Guys, alam nyo ba yung signs sa poste na "Tubero?”



What followed is a blow-by-blow (pun intended) account kung pano nya na stumbleupon ang chika nya sa amin na kalevel ng FBI files sa pagkaconfidential (sabeeh?!!!) Eye opener talaga. Ha ha ha!!! Naisip ko tuloy: baket nga ba hindi ako na-curious sa mga sign na yun na naglipana sa mga poste all over the metro?

Parang ganito yun:






One time, habang binabagtas ang isang daan sa pasig, napadaan ako sa isang poste at bigla kong naalala ang shinare ng friend ko. Pumunta ako sa malapit dun sa poste at medyo umikot pa ako! Syempre hinanap ko ang TUBERO ad. Pero bigo ako. Ang nakapaskil lang yung mga kakandidato sa Bgy. Elections, numbers ng Lipat Bahay at Poso Negro, Tutorial services pero wala ang sign ng Plumber (kung totoo ngang plumber sila). Sayang, that time, game pa naman akong sumayaw ng I Saw the Sign ng Ace of Base kung nakita ko sana ang sign na yun.

Pag naaalalako yun, sinisipat ko na tuloy ang mga posteng nadadaanan ko. Minsan nga, kating-kati akong mag-try na mag-dial ng isang number just to check. Pero syempre di ko natuloy. Baka kasi legitimate na tubero naman yun at baka matawa pa ako ng bonggang bongga pag tinanong ako ng ”Ano po ang sira nyo?”  or “May tulo kayo, Sir?”

Pasimple ko ring inusisa ang ilang ka-berks ko about this. Merong alam na ang “sleazy message” behind the sign meron din namang clueless.

Eto ang ilang nakalap kong reaksyon:

“Imposible naman atang ganun karami ang in-need ng tubero sa Metro Manila...”

“Mga mahirap na tubero yun na walang pang-advertise, sa poste nga naman, libre na ad space, libre pa ilaw...”

“Oo nga no? Andami. Ganun ba kacompetititve ang profession na yun?”

“Buti nga sa poste nakapost at hindi sa gate ng haus eh.”

“Tubero? Oo alam ko yun. Yung nagtatakip ng butas na nagli-leak. Baket?”

At of course, the answer that floored me dun sa CPK:

"Mga kolboy yun looking for customers...”

In fairness, baka legit naman yung ibang nakapaskil. Kaya ang mga tubero nating friends out there, idepensa ang sarili at ilabas ang inyong ano, ang kuwan ninyo, saloobin.

Speaking of legit, eto daw totoong tubero sya pero parang may mali: 

TUBERO
Call Boy
314-4563

Sana hindi na lang Boy ang name nya. O kaya tinagalog na lang nya ang call.

Teka nga pala... Kung mga male prosti nga ang tubero, anu na ang “Lipat Bahay”? Mga callboy na pwedeng maging ka-live in? Eh ang “Poso Negro” Mga callboy na Africans? Eh ang “Linis Tubo”?

Juice ko, pati tuloy “Piano lessons” at “Tutorial Service” pinaghinalaan ko tuloy.

Ah basta, mag-ingat na lang po tayo. Siguraduhing totoong naglilinis ng bara ng lababo at kumukumpuni ng tubo ang tubero na kukunin nyo. Baka imbes na masolusyunan ang tulo nyo sa bahay, magkaroon pa kayo ng tulo!

I Know I'll Never Blog This Way Again

Hindi ko na mabilang ang sites na pinag-registeran ko.

Sino ba ang dapat kong sisihin sa pagkakaroon ko ng account sa Facebook, Friendster, Imeem, Twitter, WAYN, Youtube, Multiply, Tumblr, Hi5, Myspace, Flixster, Wordpress, Formspring, Tagged at kung anu-ano pa na sa sobrang dami (at sobrang boring, complicated o redundant) ay hindi ko na binuksan uli? Lately nga, may nag-invite pa na mag-Plurk daw ako. Puh-leaze! Utang na loob, tama na! Nalimutan ko na nga ang mga passwords ko sa sobrang dami ng lintek na sites na yan.

Should I blame my being likas na inggetero – na kung anong meron ang iba eh dapat meron din ako? O sisihin ko ang pagiging on-line ka almost the whole day? O baka naman ang kawalan ko ng lovelife ang salarin? Na sa sobrang dami ng free time ko, imbes na nagkakalkal ako ng ibang klaseng bukid, ang Farmville ang inaasikaso ko. O imbes na may ipagluto ako (or tumikim ng ibang luto) eh sa Cafe world ako nagpapakabusy. O sa halip na maki-socialize ako sa mga tutoong tao, eh nakikipag-flirt ako online. Haiz…

The use of social networking sites has become exag sa Pinas kaya nga tayo na (daw) ang "Social Networking Capital of the World." Dito lang sa office namin sa Ortigas, rumonda ka sa mga workstations- chances are nagse-surf ang mga tao pag walang work.

Teka, bakit nga ba ako nag-open uli ng blogspot?

The obvious answer: gusto ko uling mag-blog.

Wala lang.

I need to write again.

I need to want to write. Again.

Lost in Translation

Ayokong mag-blog sa English. Ok fine, di ako ganun ka-confident at higit sa lahat ayokong ma-okray! Okay naman ang grades ko sa English pero mas comfortable ako sa Tagalog. Hindi Filipino ha? Tagalog- informal, colloquial at pangkantong Tagalog. Di nyo na itatanong, idol ko si Bob Ong. O di ba? Hindi naman ingglesero ang lolo Bob natin pero best-selling author! Pero of course, hindi pa ako nahihibang para asamin ang narating nya. Ang point ko lang, dapat magsulat using the language that you are most comfortable in (syet, nag-English bigla!). Isa pa, hindi naman ako sure na may magbabasa nito. Ha ha ha ha ha!

Bigla kong naisip yung mga nag-aaral sa UP integrated schoo ba yun? Yung lahat ng asignatura (subject) eh, itinuturo in Filipino. Parang ang hirap ha! Imaginin mo, tatagalugin ang one-fourth, ratio, metamorphosis at ilan pang words na hindi batid ng lahat kung meron nga bang translation.

Knows nyo ba kung ano ang yeso? ahedres? portamoneda? talatinigan? O di ba? Common words yang mga yan pero mas pamilyar talaga tayo sa English terms nila.

Sino ba sa inyo ang nakarinig na magsalita ang siang taal na Batangueno? Lalim ng Tagalog di ba? Sa Ateneo meron dung professor, si Dr. Pagsanghan (I hope I spelled his surname correctly) na hanep kung mag-explain- Filipino talaga! Pramis, ang sarap pakinggan. Dun ko napagtanto na mali ang notion na yung taong kayang i-express ang sarili nila in English ang tunay na magaling. Si Dr. Pagsanghan, hindi sya nag-English that time pero, syet, dripping with sense and wisdom yung mga words nya.

English. Tagalog. Filipino. Taglish. Bisaya. Kapampangan. Ilokano.

Kahit ano naman keri lang. Just remember: we speak and write to express, not to impress. Kaya use the language kung saan tayo higit na maiintindihan.

Parang Tanga Lang


Two nights ago, para akong tanga. Hinanap ko ang mga files ko ng resume at nagcreate ako ng bago. Meron na akong CV for elementary school, CV for High school, CV for college, CV for international school, CV for Montessori school, CV for Catholic school, CV for ESL teacher, at CV for tutor. Meron pa yang versions na may picture at walang picture, may signature at walang signature, one page at two pages. Siguro naman gets na gets na kung ano ang propesyon na nasusulat sa PRC license ko, di ba?

Pero two nights ago, I made another resume. Another kind. This time, hindi pang school. Kaya nga inerase ko na ang seminars attended at summary of qualifications kasi parang hindi relevant sa aaplayan ko. Pinahaba ko lang ang Educational background part. At ang pic, change ko rin. From a very formal pose (nakacoat pa ako, why not!) to very casual (na medyo nakaliyad at nakaflash ang teeth). Eto pa: aliw na aliw ako nung tinype ko ang objective at bigla kong naisip. WTF?!!! Am I really doing this?

So yun. Na-save ko na ang bagong gawang CV. Gawa naman ako next ng essay (another requirement). Yung unang draft, ingles-inglesan at pormal-pormalan. And then naisip ko--- hindi ako ‘to. Dun sa “aaplayan” ko, kelangan natural. So write ako uli. This time taglish (pero mas maraming Tagalog). Aba! Ambilis kong natapos, huh! At nung i-proofread ko, natuwa naman ako kasi akong ako ang nasa sanaysay (essay po!). Dedma kung ang requirement eh, one page lang. Basta, one-and-a-half ang sinubmit ko- heavily edited pa nga eh. Ha ha ha! Very me--- pasaway! Anywayz, satisfied naman ako sa result pero sa inside-inside ko(sa loob-loob ko), “Syet! Hindi ako matatanggap!” O di ba? Parang tanga lang.

Kagabi lang, parang tanga na naman uli ako. Bago mag-clock out sa work (nag-overtime pa ako, hinintay ko pa kasing umisplit ang boss kong Taiwanese), sinend ko muna ang masterpiece of an essay ko at ang aking updated na CV. Bago ko kinlick ang ‘send’, tinanong ko pa ang sarili ko: “Am I really doing this?” And of course, sarili ko rin ang sasagot di ba? (ang weird naman kung may tinanong ako in silence tapos may sasagot na iba). Ang answer ko sa sarili kong question? “Go! Go! Go! Huwag ka nang mahiya kasi una, wala ka ‘non at next, hindi ka naman kilala ng pagsesendan mo. Kita nya yung pic mo pero what the heck. Treat it as another online application ala Jobstreet at JobsDB. “ With this answer, sinend ko na ang dalawang files (with matching pikit at bunting-hininga pa). 

O di ba? Parang tanga lang (uli!).