Kaninang tanghali, muntik na naman akong sumali sa isang pakontes. Kung nilabasan lang sana ako ng ano, creative juices, o kung may time lang sana ako, baka nakapagsubmit ako ng entry. Third contest sana yun. Ikatlong patimpalak na sinalihan ko sa loob lang ng isang buwan. Nagiging adik ba ang tao tuwing birth month nya? Wala lang... Parang may sapi lang talaga ako lately.
Eto mainit-init pa... Kanina lang I checked the blog of a writer I follow. Chef na malagkef! Nag-skip-a-bit ang heart ko pagkabasa ng title: Announcement of Winners. Tapos bigla akong natawa. As if naman di ba? Magfeeling daw ba na makikita ko ang name ko as one of the winners? Hay naku, punch the moon, Edmun (‘nyeta! Nag-ra-rhyme!).
Dahil dito, bigla kong inassess ang “swerte” ko sa mga pakontes. Yung iba, either hindi ko na maalala o sadyang hindi naman talaga ako mapagpanalo sa mga patimpalak.
Pero I remember nung grade 6, merong inter-school essay writing contest. Dahil member ako ng Accelerated class (promoted from grade 4 to 6), lahat kami pinagawa ng essay tapos pipili ng 2 ipapadala sa Cembo for the inter-school chorva nga. Hindi mga assumptionista ang mga classmates ko pero that time, tandang tanda ko pa ang bulungan nila: “Naku sina Liza at Rowena na yan.” These two gals ay ang aming eventual valedictorian at salutatorian, respectively. Nung announcement na ng winners, pasok si Rowena. Natigagal ang buong class nung inannounce ng aming equally tiagagalled na teacher yung isang magrerepresent sa SpEd class: AKO. At first, kunwars na hindi ako makapaniwala pero sa loob loob ko, I deserve it naman. Hindi naman kasi ako super brilliant sa lahat ng subject (lalo na ang lecheng Math) kaya I was not perceived as particularly brilliant by my classmates. Hindi ko man naipanalo ang Fort Bonifacio Elementary School, at least AKO ang pinadala.
The second “victory” came nung nagkaraoon ng Essayist of the Year contest sa school. Third year ako nun. Pang Juniors at Seniors ang contest kay join ako. Medyo napagtawanan pa nga kasi yung honor students ng section 1 did not express any intention of joining tapos eto ako, umeepal na sumali. Parang may thought balloons akong nakikita sa bawat masalubong ko. “As if!” To make the long story short, ako po ang naging Essayist of the Year. Grabe, ang sarap makita sa bulletin board ng name ko na una sa billing. Ansarap ding marinig ang sincere congratulations ng mga tunay kong friends. At syempre ng nanay ko.
Yung ikatlong “panalo” ko, nung 4th year High School. Lahat pinagsubmit ng entry para malaman kung sinong magiging editor-in-chief ng school organ namin. Syempre pa expected na na Section 1 ang magiging editor (section 2 ako). To make the long story short, ako ang napili. Para akong tanga na lumalakad sa room ng section 1 papunta sa harap. Lintek! Alam na ng buong pilot class na ako ang editor. ‘Nyeta! Ako itong clueless. Pero ansarap marinig ng palakpakan at makita ang confused faces ng ilang schoolmates ko. Para bang nag-aask sila: this dark-skinned, pimple-faced and stick-bodied creep bested them all?
That year, 1989, di man ako napasama sa honor (dahil sa lecheng Statistics!), ako naman ang nagtopnotcher sa NCEE. Memorable to kasi nung inaannounce ang name ko, walang naghiyawan. Bagkus nagkatanungan pa: Sino yun? Section 1 ba yan? Ayun ako- parang tanga lang na umaakyat ng stage, being watched by all graduating students. Pero ansaya. Super duper over grover mega grabeng feeling of triumph yun (ambilis kaya ng lakad ko nun pauwi. Can’t wait to break the good news to my Mom. Eto actually ang pinakamasayang part: ang may magandang balita akong mauuwi sa nanay ko.
Sa college, I remember winning the Spelling Bee contest nung Foundation day. Natatandaan ko pa ang katunggali ko: student ni Danny Vibas na isang showbiz writer. Ang word na naging tie breaker: FLAMBEAU. Pero cry ako pag-uwi nun. Kasi kamamatay pa lang ni Nanay ko the year before. Kaya wala akong napag-alayan ng medal ko except sa Tatay ko na hindi naman masyadong fan ng contests.
After this wala na akong pinanalunang contest.
Wala na rin naman kasi akong sinalihan.
Wala na kasi akong muse.
Wala na ang Nanay ko. Ang aking nag-iisang inspirasyon. Ang ka-isa-isang tao na naniwala sa akin ng 101% at higit pa.
Eto lang, sa huling 2 kontes na sinalihan ko, hindi na ako umaasang magwawagi. Pero masaya na rin ako. Kasi kahit paano, alam kong may nagbasa ng sinulat ko.
May ikokorek nga pala ako. May inspirasyon pa rin pala ako.
Ang nanay ko pa rin.
Sino ba ang nagsabing ang inspirasyon eh dapat buhay lang?