Friday, March 11, 2011

Indonesia "Revisited": Names

Super di ko malilimutan yung unang daytime travel ko sa Jakarta, may tarpaulin  akong nakita- TITI DJ in concert! Nagulumihanan ako! “Sino (o ano?) daw ang magkoconcert? Yung isang pelikula, may Titi Kamal na member ng cast. At take note, si Titi- babae! Infairness, maganda ang Titi ha? Medyo morena na mahaba ang buhok. Bagay sa kanya name nya.

Nung unang araw ko sa class nagtawagan ang mga kaklase at narinig ko ang isang name na buong ningning na isinigaw from one corner of the room to the other side. “Kiki!!!!” Syempre hinanap ko ang Kiki. Wala namang lumilingong girlash. Sus! Yung Kiki pala, lalaki (nickname ‘to coz ang real namn nya Sidqi) Sa sobrang aliw ko, nilapitan ko si Kiki at hinawak-hawakan. Yun ang unang hawak ko sa (may name na) Kiki sa Indonesia.

One time naman, taimtim akong nagdarasal sa Church bago pa magsimula ang mass. Solemn-solemnan ang drama ko nun. Nang i-announce ang celebrant- muntik akong maglambitin sa pagkalito (baka kasi mali ang dinig ko) si Father Mankee. Inuunggoy lang ba ako nung announcer o yun nga ang name? Hindi tuloy ako nakapagconcentrate after that. I almost went bananas.

May co-teacher ako at churchmate na ARI ang name. At katulad sa totoong buhay (may peke bang buhay?) yung ARI ay pwedeng sa male at sa female. Yung isang coworker ng boss ko ewan ko kung ano ang name kasi ang palayaw nya Fac. Kaiba di ba? Super laswa ng maraming pangungusap pag kausap mo itong Fac na to. Ang iba pang name pwede para sa babae at lalake. Minsan naman, di mo alam kung babae o lalake.

Wait! There's more!!! Mahahaba ang ano nila.. name! Limang embarkation card ang kelangan sa eroplano! Yung tipong yung bagets na super haba ang name, nagtetest 2 na ang classmate, sya, nagsusulat pa lang ng name. Wala nga pala silang surname. Yung muslims, ang name ng dad nila, yun na rin ang surname nila.

Pati sa pagname ng place- adik! Di nila paborito ang letter C sa pag nename ng place. Consider these: Cibubur, Cibinong, Cilangkap, Ceger, Ciracas, Cijantung, Ciputat, Cipete, Cililitan, Cilandak, Cileungsi, Cawak, Ciawi and the list goes on. Mind you, I did not consult the map ha. Namemorize ko na by heart ang mga must-C place na nabanggit.

No comments:

Post a Comment