Friday, March 11, 2011

Indonesia "Revisited": Acronyms

Trip na trip ng mga Indonesian ng paggamit ng acronym. Minsan nga, mas pamilyar pa sila sa acronyms kesa sa totoong pangalan. Actually, may variation ng konti. Yung first syllables ng word ang pinagdudugtong-dugtong nila. Parang sa Pinas din- tapsilog (tapa sinangag, itlog) pakantot (paksiw, kanin, tortang talong). Dito meron Binus - short form ng Bina Nusantara (akala ko dati ang Binus, yung goddess of love), meron din silang JabodetaBek (ala-Calabarzon) which means Jakarta, Bogor, Depok at Bekasi. Juice ko! In the tradition of Pacquiao University, buti na lang wala silang Jakarta College, Canesius Tutors, Inc, Kupang Palace at Thamrin Model Company. Eto extreme. Lakad lakad ako after magpapalit ng pera sa Money changer. Hanap ako ng machichibugan. Aba- sa isang ala-tuto-turo na place, may nakita ako. Internet. Impressed much! Turo-turo tapos may WiFi. ‘Stig! Ask ko pa si manong kung may internet nga. Oo daw. Order na ako ng food. Maya-maya, give pa ng isang lafang si Manong. Tanggi ako n ako ang umorder nun. Yun pala yun ang internet- Indomie, telor, cornet- meaning instant noodles, egg at corned beef. Ha ha ha ha! Aliw!!! May WiFi Wifi pa akong nalalaman!

No comments:

Post a Comment