Friday, March 11, 2011

Indonesia "Revisited": Fashion (?)

Indonesians give the word pustoryosa and maporma a whole new dimension. Sa mall, parang lahat ng babae, magnininang sa kasal. Ang mga bading sa parlor konti lang ang pahinga kasi ang mga bebot, pupunta lang sa kanto para bumili ng saluyot, mag-sasalon pa (make-up, false eyelashes, hair extension, manicure, pedicure, the works!) At ang colors! mahihiyang tumabi ang rainbow. May nakasabay ako minsan sa mall, parang number one fan ng Power rangers- as in LAHAT ng power rangers kasi lahat ng kulay ginamit nya sa kanyang over all- get-up. At feeling fashionista ang lintek! Parang lumalklak ng isang litrong kape sa sobrang kawalan ng nerbyos! Hay naku! Lahat dito nag-fafashion statement: sa pag-mamatch ng kulay, sa accessories atbp. Sa mga girls, patok na hairstyle dito yung bolga. As in volume kung volume. Knows mo ba yung hairstyle ni Madam Imelda marcos- I multiply mo sya by 8. ganun ka-adik sa “big” haistyle ang mga indonesian women. Akala mo may nakatagong trinkets dun sa buhok. Minsan may nakita kami- cobrang cobra talaga ang dating ng hairstyle. Muntik ko ngang ichekc yung dila nya kung hiwalay sa dulo eh. At ang hair extensions! Mega common kahit sa common tao lang. Kung meron lang fashion police, baka yung kulungan, kasing laki ng buong Luzon. Three letters sum up their fashion sense: OMG!

No comments:

Post a Comment