Thursday, May 2, 2013

NAGSASAwa na...

Yes maganda ang Nagsasa Cove. Nature kung nature. Peaceful with a capital P. 

Pero mukhang hindi na ako babalik don. Dahil sa isang malalim (o madilim?) na dahilan...

After 3 weeks, kasi, hindi pa bumabalik ang kulay ko.

True na kayumanggi ako pero imagine this: what happens when a chocolate brown skin gets exposed to the sweltering heat of the sun? Yun na.

Bumili na ako ng whitening soap at whitening lotion pero wa epek.  Hindi na ako lumabas ng one week nyan ha! 

Bakit ba kasi ako nagpunta sa Pundakit, Capones at Nagsasa sa Zambales?

Syempre, outing ng barkada. Yung tipong over ka sa pagka-KJ pag di ka sumama and one more thing: pinupulutan sa kwentuhan ang absent.

Sa FB nga, nalaman ko na may next plan na ang mga kaberks: Potipot daw. 

Juice ko, hindi na. Ayaw na. 

Baka wala nang matira sa skin ko..



Saturday, October 6, 2012

Chairman of the BorED


March 11, 2011 pa pala ako huling nag-blog. Online English Teacher cum Team Leader cum HR assistant pa ako nun. Laging online kaya nung maumay ako sa pagreregister sa kung anu-anong site na wala namang makokontribute sa ikauunlad ko o pagtaba ng bank account ko, nag-blog ako. Bored eh. Ngayon, bored na naman. Dapat siguro, ang title ng blog ko CHAIRMAN of the BORED. Swak na swak!

Hay (insert buntunghininga here) walang muse. Walang inspiration. Nagtitipa ng wala lang. Ano ba ang mga nangyari sa akin sa boring na araw na ‘to?

1. Naglaba. Pathetic naman talaga! Kung tinubuan lang kasi ako ng yagbols na magpropose nung 2008, baka may naglalaba na para sa akin. Shet.

2. Kumain ng sardinas na ako mismo ang nag-gisa. I don’t really  consider this pathetic. Andami kayang Omega something ng sardines, no! Pero kung lumalantak ka ng sardinas tapos a few feet away ay may bonggang birthday party na nagaganap, na ang food ay naghuhumiyaw sa dami, ibang usapan na. Parang heavily charged with panglalait ang atmosphere. Parang ineemphasize naman ang kadukhaan ko. Shet.

3. Nanood ng upgraded, new and improved na Pinoy Henyo. Pero Ewan. Di ko na-enjoy. Nag-FB after pero biglang nag-expire ang load. Shet.

4. Natulog. Unlike before, wala akong naalala sa napanaginipan ko. Shet.

5. Pumunta sa grocery para mamili. Retail therapy, why not.  Almost 500 ang ginasta pero yung shopping bag ko, pwede kong bitbitin with one finger, yung ring finger pa kamo. Lecheng bilihin, ang mamahal! Shet.

6. Bumili ng October issue ng FHM. Muntik pa akong mag-maasim sa Kahero. “Boss, FHM nga,” sabi ko. Lilinga-linga para kunwari hindi naman ako excited. Ang sagot ni Cashier, “October po ba?” Gusto kong sagutin, Oo October pero 2009 issue! Juice ko naman! Fine meron namang bumibili ng back issue pero nairita lang ako sa tanong. Buti na lang may free magazine yung October issue kaya napatawad ko na si Kuya. Pero nalagasan pa rin ako ng 140. Shet.

7. Traffic. Sobrang traffic. Lintek na eleksyon kasi. Malapit na kaya marami nang nagpapapogi. Shet.

8. Ate boiled eggs for dinner. Huwaw! Diet!!! Pero wag ka. As I type this, parang nag-gagrowl ang tiyan ko. Mukhang lalaklak pa rin ako ng carbs mamaya. Shet.

See?

A super boooring day. Yung para lang walang nangyari.

Sana mamaya hindi na ako bored. I hope something comes up.

Teka!!! Why don’t I make something cum up?

Okay, now na!

Friday, March 11, 2011

Indonesia "Revisited": Names

Super di ko malilimutan yung unang daytime travel ko sa Jakarta, may tarpaulin  akong nakita- TITI DJ in concert! Nagulumihanan ako! “Sino (o ano?) daw ang magkoconcert? Yung isang pelikula, may Titi Kamal na member ng cast. At take note, si Titi- babae! Infairness, maganda ang Titi ha? Medyo morena na mahaba ang buhok. Bagay sa kanya name nya.

Nung unang araw ko sa class nagtawagan ang mga kaklase at narinig ko ang isang name na buong ningning na isinigaw from one corner of the room to the other side. “Kiki!!!!” Syempre hinanap ko ang Kiki. Wala namang lumilingong girlash. Sus! Yung Kiki pala, lalaki (nickname ‘to coz ang real namn nya Sidqi) Sa sobrang aliw ko, nilapitan ko si Kiki at hinawak-hawakan. Yun ang unang hawak ko sa (may name na) Kiki sa Indonesia.

One time naman, taimtim akong nagdarasal sa Church bago pa magsimula ang mass. Solemn-solemnan ang drama ko nun. Nang i-announce ang celebrant- muntik akong maglambitin sa pagkalito (baka kasi mali ang dinig ko) si Father Mankee. Inuunggoy lang ba ako nung announcer o yun nga ang name? Hindi tuloy ako nakapagconcentrate after that. I almost went bananas.

May co-teacher ako at churchmate na ARI ang name. At katulad sa totoong buhay (may peke bang buhay?) yung ARI ay pwedeng sa male at sa female. Yung isang coworker ng boss ko ewan ko kung ano ang name kasi ang palayaw nya Fac. Kaiba di ba? Super laswa ng maraming pangungusap pag kausap mo itong Fac na to. Ang iba pang name pwede para sa babae at lalake. Minsan naman, di mo alam kung babae o lalake.

Wait! There's more!!! Mahahaba ang ano nila.. name! Limang embarkation card ang kelangan sa eroplano! Yung tipong yung bagets na super haba ang name, nagtetest 2 na ang classmate, sya, nagsusulat pa lang ng name. Wala nga pala silang surname. Yung muslims, ang name ng dad nila, yun na rin ang surname nila.

Pati sa pagname ng place- adik! Di nila paborito ang letter C sa pag nename ng place. Consider these: Cibubur, Cibinong, Cilangkap, Ceger, Ciracas, Cijantung, Ciputat, Cipete, Cililitan, Cilandak, Cileungsi, Cawak, Ciawi and the list goes on. Mind you, I did not consult the map ha. Namemorize ko na by heart ang mga must-C place na nabanggit.

Indonesia "Revisited": Yosi

Yosi kadiri. Sila na! Sila na ang ang may claim dito. Mahihiya talaga ang chimney o tambutso sa mga smokers dito. Number 1 bisyo nila eh. Sa isang public place o sasakyan, care nila kung mausukan ka. Feeling nila lumabas ka ang bahay para mag-amoy tinapa. Iba ang sigarilyo nila dito. Kumakapit ang amoy sa clothes (at sa skin both of the bumuga and the binugahan). Familiar ba kayo dun sa youtube video ng two years old pa lang adik na sa yosi? Hindi ko maimagine ang hitsura ng baga ng batang ito pag adult na sya (yun eh kung aabutin pa nya ang adult stage.) Yung mga piktyur ng bagang apektado ng emphysema na masa-sight sa kahon ng yosi sa Singapore, malala pa siguro dun ang lungs ng batang to.

Indonesia "Revisited": Fashion (?)

Indonesians give the word pustoryosa and maporma a whole new dimension. Sa mall, parang lahat ng babae, magnininang sa kasal. Ang mga bading sa parlor konti lang ang pahinga kasi ang mga bebot, pupunta lang sa kanto para bumili ng saluyot, mag-sasalon pa (make-up, false eyelashes, hair extension, manicure, pedicure, the works!) At ang colors! mahihiyang tumabi ang rainbow. May nakasabay ako minsan sa mall, parang number one fan ng Power rangers- as in LAHAT ng power rangers kasi lahat ng kulay ginamit nya sa kanyang over all- get-up. At feeling fashionista ang lintek! Parang lumalklak ng isang litrong kape sa sobrang kawalan ng nerbyos! Hay naku! Lahat dito nag-fafashion statement: sa pag-mamatch ng kulay, sa accessories atbp. Sa mga girls, patok na hairstyle dito yung bolga. As in volume kung volume. Knows mo ba yung hairstyle ni Madam Imelda marcos- I multiply mo sya by 8. ganun ka-adik sa “big” haistyle ang mga indonesian women. Akala mo may nakatagong trinkets dun sa buhok. Minsan may nakita kami- cobrang cobra talaga ang dating ng hairstyle. Muntik ko ngang ichekc yung dila nya kung hiwalay sa dulo eh. At ang hair extensions! Mega common kahit sa common tao lang. Kung meron lang fashion police, baka yung kulungan, kasing laki ng buong Luzon. Three letters sum up their fashion sense: OMG!

Indonesia "Revisited": Masahe

Words cannot begin to describe how heavenly Indonesian massage is! Champion talaga! Dito ako unang napatungan ng girl- as in napatungan ng masahistang girl- as in nakatayo sya sa akin! Hindi ko alam ang tawag sa massage na yun. (Ginawa to ni Lucy Liu sa Charlie’s Angels 1). Tinanong nya kasi at dahil sa language barrier, nag-oo na lang ako (akala ko kasi iba ang tanong nya eh. Yung usual na tanong ng mga masahista sa Pilipinas. Je je je). May isa ding anecdote involving body scrub na hindi ko na pwedeng i-share. Basta unforgettable sya! Marami-rami na rin akong naranasang masahe (both dressed and undressed) May isa pang winner- yung cream bath. Ang objective talaga nya pagandahin ang hair pero hanep ang pagmassage ng scalp! Dalawa lang ang result- magkandaduling ka sa sarap o makatulog ka ng bonggang-bongga! Orgasmic ang level. Pramis!

Indonesia "Revisited": Acronyms

Trip na trip ng mga Indonesian ng paggamit ng acronym. Minsan nga, mas pamilyar pa sila sa acronyms kesa sa totoong pangalan. Actually, may variation ng konti. Yung first syllables ng word ang pinagdudugtong-dugtong nila. Parang sa Pinas din- tapsilog (tapa sinangag, itlog) pakantot (paksiw, kanin, tortang talong). Dito meron Binus - short form ng Bina Nusantara (akala ko dati ang Binus, yung goddess of love), meron din silang JabodetaBek (ala-Calabarzon) which means Jakarta, Bogor, Depok at Bekasi. Juice ko! In the tradition of Pacquiao University, buti na lang wala silang Jakarta College, Canesius Tutors, Inc, Kupang Palace at Thamrin Model Company. Eto extreme. Lakad lakad ako after magpapalit ng pera sa Money changer. Hanap ako ng machichibugan. Aba- sa isang ala-tuto-turo na place, may nakita ako. Internet. Impressed much! Turo-turo tapos may WiFi. ‘Stig! Ask ko pa si manong kung may internet nga. Oo daw. Order na ako ng food. Maya-maya, give pa ng isang lafang si Manong. Tanggi ako n ako ang umorder nun. Yun pala yun ang internet- Indomie, telor, cornet- meaning instant noodles, egg at corned beef. Ha ha ha ha! Aliw!!! May WiFi Wifi pa akong nalalaman!