Yes maganda ang Nagsasa Cove. Nature kung nature. Peaceful with a capital P.
Pero mukhang hindi na ako babalik don. Dahil sa isang malalim (o madilim?) na dahilan...
After 3 weeks, kasi, hindi pa bumabalik ang kulay ko.
True na kayumanggi ako pero imagine this: what happens when a chocolate brown skin gets exposed to the sweltering heat of the sun? Yun na.
Bumili na ako ng whitening soap at whitening lotion pero wa epek. Hindi na ako lumabas ng one week nyan ha!
Bakit ba kasi ako nagpunta sa Pundakit, Capones at Nagsasa sa Zambales?
Syempre, outing ng barkada. Yung tipong over ka sa pagka-KJ pag di ka sumama and one more thing: pinupulutan sa kwentuhan ang absent.
Sa FB nga, nalaman ko na may next plan na ang mga kaberks: Potipot daw.
Juice ko, hindi na. Ayaw na.
Baka wala nang matira sa skin ko..
No comments:
Post a Comment