Saturday, October 6, 2012

Chairman of the BorED


March 11, 2011 pa pala ako huling nag-blog. Online English Teacher cum Team Leader cum HR assistant pa ako nun. Laging online kaya nung maumay ako sa pagreregister sa kung anu-anong site na wala namang makokontribute sa ikauunlad ko o pagtaba ng bank account ko, nag-blog ako. Bored eh. Ngayon, bored na naman. Dapat siguro, ang title ng blog ko CHAIRMAN of the BORED. Swak na swak!

Hay (insert buntunghininga here) walang muse. Walang inspiration. Nagtitipa ng wala lang. Ano ba ang mga nangyari sa akin sa boring na araw na ‘to?

1. Naglaba. Pathetic naman talaga! Kung tinubuan lang kasi ako ng yagbols na magpropose nung 2008, baka may naglalaba na para sa akin. Shet.

2. Kumain ng sardinas na ako mismo ang nag-gisa. I don’t really  consider this pathetic. Andami kayang Omega something ng sardines, no! Pero kung lumalantak ka ng sardinas tapos a few feet away ay may bonggang birthday party na nagaganap, na ang food ay naghuhumiyaw sa dami, ibang usapan na. Parang heavily charged with panglalait ang atmosphere. Parang ineemphasize naman ang kadukhaan ko. Shet.

3. Nanood ng upgraded, new and improved na Pinoy Henyo. Pero Ewan. Di ko na-enjoy. Nag-FB after pero biglang nag-expire ang load. Shet.

4. Natulog. Unlike before, wala akong naalala sa napanaginipan ko. Shet.

5. Pumunta sa grocery para mamili. Retail therapy, why not.  Almost 500 ang ginasta pero yung shopping bag ko, pwede kong bitbitin with one finger, yung ring finger pa kamo. Lecheng bilihin, ang mamahal! Shet.

6. Bumili ng October issue ng FHM. Muntik pa akong mag-maasim sa Kahero. “Boss, FHM nga,” sabi ko. Lilinga-linga para kunwari hindi naman ako excited. Ang sagot ni Cashier, “October po ba?” Gusto kong sagutin, Oo October pero 2009 issue! Juice ko naman! Fine meron namang bumibili ng back issue pero nairita lang ako sa tanong. Buti na lang may free magazine yung October issue kaya napatawad ko na si Kuya. Pero nalagasan pa rin ako ng 140. Shet.

7. Traffic. Sobrang traffic. Lintek na eleksyon kasi. Malapit na kaya marami nang nagpapapogi. Shet.

8. Ate boiled eggs for dinner. Huwaw! Diet!!! Pero wag ka. As I type this, parang nag-gagrowl ang tiyan ko. Mukhang lalaklak pa rin ako ng carbs mamaya. Shet.

See?

A super boooring day. Yung para lang walang nangyari.

Sana mamaya hindi na ako bored. I hope something comes up.

Teka!!! Why don’t I make something cum up?

Okay, now na!