March 11, 2011 pa pala ako huling nag-blog. Online English
Teacher cum Team Leader cum HR assistant pa ako nun. Laging online kaya nung
maumay ako sa pagreregister sa kung anu-anong site na wala namang makokontribute
sa ikauunlad ko o pagtaba ng bank account ko, nag-blog ako. Bored eh. Ngayon,
bored na naman. Dapat siguro, ang title ng blog ko CHAIRMAN of the BORED. Swak
na swak!
Hay (insert buntunghininga here) walang muse. Walang
inspiration. Nagtitipa ng wala lang. Ano ba ang mga nangyari sa akin sa boring
na araw na ‘to?
1. Naglaba. Pathetic naman talaga! Kung tinubuan lang kasi
ako ng yagbols na magpropose nung 2008, baka may naglalaba na para sa akin.
Shet.
2. Kumain ng sardinas na ako mismo ang nag-gisa. I don’t
really consider this pathetic. Andami
kayang Omega something ng sardines, no! Pero kung lumalantak ka ng sardinas
tapos a few feet away ay may bonggang birthday party na nagaganap, na ang food
ay naghuhumiyaw sa dami, ibang usapan na. Parang heavily charged with
panglalait ang atmosphere. Parang ineemphasize naman ang kadukhaan ko. Shet.
3. Nanood ng upgraded, new and improved na Pinoy Henyo. Pero
Ewan. Di ko na-enjoy. Nag-FB after pero biglang nag-expire ang load. Shet.
4. Natulog. Unlike before, wala akong naalala sa
napanaginipan ko. Shet.
5. Pumunta sa grocery para mamili. Retail therapy, why
not. Almost 500 ang ginasta pero yung
shopping bag ko, pwede kong bitbitin with one finger, yung ring finger pa kamo.
Lecheng bilihin, ang mamahal! Shet.
6. Bumili ng October issue ng FHM. Muntik pa akong
mag-maasim sa Kahero. “Boss, FHM nga,” sabi ko. Lilinga-linga para kunwari
hindi naman ako excited. Ang sagot ni Cashier, “October po ba?” Gusto kong
sagutin, Oo October pero 2009 issue! Juice ko naman! Fine meron namang bumibili
ng back issue pero nairita lang ako sa tanong. Buti na lang may free magazine
yung October issue kaya napatawad ko na si Kuya. Pero nalagasan pa rin ako ng
140. Shet.
7. Traffic. Sobrang traffic. Lintek na eleksyon kasi. Malapit
na kaya marami nang nagpapapogi. Shet.
8. Ate boiled eggs for dinner. Huwaw! Diet!!! Pero wag ka.
As I type this, parang nag-gagrowl ang tiyan ko. Mukhang lalaklak pa rin ako ng
carbs mamaya. Shet.
See?
A super boooring day. Yung para lang walang nangyari.
Sana mamaya hindi na ako bored. I hope something comes up.
Teka!!! Why don’t I make something cum up?
Okay, now na!